MAGITING na LAHI

at nang mabuksan ang pinto’y nagliwanag

na animo’y araw na di matitigan

at doo’y nakita ang isang kasaysayan 

ng lahing nagparikit sa sariling bayan.

 

at isang mahabang parada ang natanaw

habang may paghihirap na naaaninaw

sa mukha’t pagal na katawan

ng mga Pilipinong karamiha’y nagsipanaw.

 

at doo’y naisulat ang kagitingan 

ng lahing kaytapang

sa pagtitiis at pagkalagas ng buhay

ay nabuhay ang karangalan ng bayan.

 

kaya nakasulat sa mga papel ng karunungan

ang naikintal na pambihirang kaganapan

na siyang nagbigay ng tunay na kahulugan

ng pagmamahal sa inang bayan.

 

sila’y nagtiis

naghirap

ginapos ng tanikala

niluraan

inuhaw

ginutom

sinaktan

 

at dahil sa kabayanihan

ay inaalala ngayon ng buong sambayanan.

 

“mabuhay ang lahat ng magigiting na PILIPINO

sa ARAW ng KAGITINGAN

at sa ordinaryong araw ng bawat marangal na buhay”

—G. MANUL

5 thoughts on “MAGITING na LAHI

  1. Pingback: imortal na video na ginawa ng channel 7 nu’ng 2010 para sa “araw ng kagitingan”… OO, PILIPINO TAYO! | SIP & SIP: SILVERIO's Illuminati Pot & Silver Items Platter!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s