Bili na Kayo ng Araw!

sumibol na araw sa bundok ng pangako

nagkubli ng kaytagal at ngayon’y ilalako.

bili na! bili na! bili na katoto

ng isang araw na masayang puso.

 

kung nais mo’y bumili ng isang araw

maghanda ng tubig nang hindi mauhaw

sa taglay na init ay maaaring malusaw

ang isang pag-ibig na matagal nabuhay.

 

Bili na!bili na! bili na kayo

ng isang araw na kayligayang totoo

araw na mainit, araw na kung ano

anuhin man at anuhi’y mahalaga sa mundo.

 

bilhin mo ngayon at ako’y uuwi na 

sa wakas na walang maliw kahit mag-iisa

bili na!bili na! Bili na aking sinta

at pagkatapos nito, ako’y mamamaalam na.

 

(ang tulang ito ay para sa mga taong ang pananaw sa buhay ay sadyang kaybilis. Para ito sa mga pusong umaasa ng kaligayahan habang nabubuhay at tumitibok pa.)

 

2 thoughts on “Bili na Kayo ng Araw!

  1. manong ang ganda naman ng iyong tulang alay para sa mga, “pusong umaasa ng kaligayahan habang nabubuhay at tumitibok pa”.

    napakaganda ng iyong inilalako. masarap talaga ang kathang tula na tumatagos sa kaibuturan.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s