Kabaligtaran

liwanag.

dilim.

lamig.

init.

tamis.

pait.

lupa.

langit.

Kung mapapansin mo ang mga bagay sa mundo,

lahat ay may kabaligataran, ano?

kung ang tao may nabubuhay na totoo….

kung mamamatay ma’y tunay nga ring totoo.

tao sa harap

patay kung baligtad

sa bawat barya ito ang tawag

sa pustaan ng mundong nakahahabag.

ang kaldero

ang kaldero

pag may laman ay walang perwisyo

kung baligtad na ay ano?

tulad ng mga bagay-bagay

may kabaligtaran din ang bawat buhay

kung anak ka ng iyong nanay

kung babaligtari’y anak ka naman ng hukay.

15 thoughts on “Kabaligtaran

  1. Blessed Sunday Ginoo!

    Wagas ang tula, tulad ng mga nakaraang katha🙂

    Akin itong naibigan:

    “kung anak ka ng iyong nanay
    kung babaligtari’y anak ka naman ng hukay”

    Bakit di peding anak ng tatay? Maitanong lamang🙂

    Pedi kayang:

    Kung may isinasabuhay,
    mayroon ding ikinamamatay,
    Kung may Isinasaalang-alang,
    mayroon ding hinahayaan na lamang,
    Kung may tapat ang layon,
    mayroon ding manlilinlang pag may pagkakataon,
    Kung may inuulan ng swerte,
    mayroon ding hinahabol ng malas,
    Kung may laman lagi ang bulsa,
    mayroon ding kinakapa, butas na pala!
    🙂

  2. Pingback: “KUNG…” « Chilledhoney's Blog

  3. “ang kaldero

    pag may laman ay walang perwisyo

    kung baligtad na ay ano?”

    hello, Manul… pag baligtad na ay ibig sabihin, kailangan ng magsaing uli, kapatid. lagot lang pag wala nang maiisaing, ahaha. kaway-kaway!😉

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s