Ilang Libo

Ilang libong araw
Ilang libong taon
Ilang libong pagkakamali ang sa aki’y nakatuon?
 
Ilang libong pag-asa
Ilang libong ligaya
Ilang libong katanungan ang sa mundo’y naglipana?
 
Ilang libong ako
Ilang libong ikaw
Ilang libong pasakit ang iyong natatanaw?
 
Ganyan ang buhay sa mundong ibabaw…
Ang kaunti ay marami sa mga kapus-palad
At ang marami sa mayama’y nagkukulang.
 
Ilang libong ikaw at ako pa kaya
Ang sa mundo ay isisilang?
 
Ikot ng alimpuyo pag ika’y nadaanan
Ay mapipilitan kang magbuwis ng buhay.
Kung alimpuyo lang naman ang sa ati’y sasakop
Mabuti pa’y sa dayuhan ka magtiklop ng tuhod.
 
Pikat pikat pikat pikat
Ang sabi ng batang tila nilalagnat
Ang kamalian ko’y napupunang lahat
Gayong ang sariling uhog ay di mapunas-punas.
 
Kahit saan na mapunta ang tulang ito
Pagkat walang hanggan ang hiwaga ng mundo
Kung ako ngayon ay nabubuhay na totoo
Pagdating ng panaho’y lilisan din ako.

4 thoughts on “Ilang Libo

  1. Uy, bago ang interior design ng bahay🙂

    Pagkaganda naman ng kulay🙂

    “Kahit saan na mapunta ang tulang ito
    Pagkat walang hanggan ang hiwaga ng mundo
    Kung ako ngayon ay nabubuhay na totoo
    Pagdating ng panaho’y lilisan din ako.”

    Minsan iniisip, kung lilisan ba magkakaroon nga ba ng kapayapaan ang isipan at kalooban?

    Minsan iniisip, ano nga ba ang tunay na kaligayahan at ang buhay ba sa mundo ay nararapat bang kaginhawaan ang hanap?

    Mga tanong ng isang nilalang na lumalangoy laban sa alon…..

  2. salamat sa papuri…..ngayon ko lang naisipang palitan,,,,,di pa kasi masyadong bihasa e,

    at sa iyong puna, kung sa ating paglisan, may mga bagay kaya tayong maiiwan na alalahanin para sa atin at malalaman ba ng susunod na mga taon na may isang IKAW na nabuhay kahapon?
    ….isang pagmumuni-muni…….

  3. abangan-abangan na lang natin kung gang kelan lilisan ang katawang ating hiram…
    aabutin pa ba ng lilibong segundo, o lilibong minuto, o di-kaya lilibong oras, at lilibong araw.
    makaka-ilang lilibo pa kaya ang magiging paghinga maging ang paghagok.

    mananatiling katanungan hanggang sa huling hantungan.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s