Relihiyon ko (share lang)

 

(hiram lang ang larawan kay pinsan GOOGLE.com)

Relihiyong kinamulatan

kinalakihan….

relihiyong

humubog

nagturo

nangaral sa aking isipan

relihiyong Diyos ang siyang pinagmulan

at Diyos rin naman ang babalikan

Relihiyong may pinag-ugatan

relihiyong ugat ng mga kaugatan

relihiyong pinakatatangi ko

at pinakamamahal

Relihiyong tunay na banal

Pasalamat ako at ako’y napabilang

sa relihiyong

tunay na makatuwiran…

pasalamat ako at ako’y isang

EPISCOPALIAN….

 

Datapwa

datapwa

hindi ko sinasabing

mali ang iba

tama naman

tama rin sila

sa pagluhod at pagsamba sa KANYA…

 

Ang relihiyon ay iyong tahanan

na umiipon sa libong katwiran

kahit gayun at gayunpaman

ang magliligtas sa iyo ay pananalig naman…..

 

Ang relihiyon ay mundo ng pananampalataya

at mundo ng pag-ibig sa ating kapwa….

11 thoughts on “Relihiyon ko (share lang)

  1. “Ang relihiyon ay iyong tahanan

    na umiipon sa libong katwiran

    kahit gayun at gayunpaman

    ang magliligtas sa iyo ay pananalig naman…..”

    – ako ay sang-ayon….. maging ano pa man ang ating relihiyon, mag-kakaiba man ang tawag, ang kongregasyon, ang mahalaga, tayo ay may pananalig sa Panginoon…upang buhay ay di maging hungkag sa kabuluhan…

      • Alam mo bang lagi kong sinasabi, magsabunutan na sa ibang topic, huwag lamang sa relihiyon at paniniwalang ispiritual?

        Para sa akin kasi, ang paniniwala ay may kasamang haplos ng Maykapal… kung naramdaman mo ang paghaplos, nariyan Siya, walang duda….

        Walang mas magaling, walang mas tama… yun lang ang akin..

        Man was created in His likeness, man was created uniquely rational as compared to other beings….He must know, in one way or another the God who created him….

  2. Religion naman can never save any one…it is empty if Jesus Christ is not the one being glorified and magnified…Relationship padin sa LORD ang importante…😉

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s