Nabibilang na!

isa
dalawa
ako’y natatawa

tatlo
apat
bilang na ang matatapat

lima
anim
marami na ang sakim

pito
walo
sinungaling ang mundo

siyam
sampu
ang tao’y hunyango
nag-iiba ng kulay
di nauubusan ng pangkulay
di nawawalan ng kulay

ganito nga ang daigdig
ang mahina ay nadadaig
ang di marunong mag-igib ng tubig
matutuyo ang bibig
mamamalat pati gilagid.

mahina…mabagal
sa isang bagay nagtatagal
kung hindi aalis sa halimaw na lugar
kung doon ka nabuhay
doon ka mamamatay.

mabilis…kayhagibis
pag natinik ay tumatangis
kung matulin kang umakyat sa langit
nawa’y di ka malaglag sa putik…

isa
maganda

dalawa
kulang sa sobra

tatlo
nakalilito

apat
makunat

lima
Inglesera

anim
mukhang dayuhan sa salamin

pito
Pinoy ang lolo

walo
may lahi kunong Amerikano

siyam
para namang mangkukulam

sampu
si Pinas ay nagtatampo

sabi nga ni C.C. Marquez Jr.
Pilipinong naturingan
ang kamukha ay Dayuhan!

2 thoughts on “Nabibilang na!

  1. Hindi ko lam kung bakit ko ito papatulan pero pasubok lang, G. Manul…

    isa dalawa tatlo…
    ang haba-haba na ng nguso ko

    apat lima anim…
    araw na naman ay makulimlim…

    pito walo siyam…
    di ba dapat ay di na malamlam?

    isa,
    ako ay si kulasa

    dalawa
    labis manghawa

    tatlo
    nagkakamot sa ulo

    apat
    tila may amat

    lima
    banat di naluluma

    anim
    naghahanap ng lilim

    pito
    magulo, hilain ito

    walo
    maligalig, huwag sumalo

    siyam
    dumaan, parang walang alam

    sampu
    tumigil na’t hinahapo…

    Ayan, di ko naintindihan ang mensahe ng tula kaya tumula na lang din… paumanhin…

    Babasahin na lamang muli upang makuha ang ibig sabihin…

  2. Pingback: Isa, dalawa…sampu… « Chilledhoney's Blog

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s