HININGA

araw gabing ginawa ng Diyos ako’y nagtataka
pagkat ang hilik sa gabi ay dusa sa umaga
kung may hiningang aso sa kamang kayganda,
may hingang daga naman ng pulubi sa kalsada.




silang nakahiga sa kama ng yaman
ariin man nila’t hindi’y may nakalilimutan.
sa bawat paghinga nila ng hiningang pangmayaman,
tila nalilimutan ang sumpa ng kamatayan.




hiningang hinihinga sa puso ng kahuwaran
ay sumpa sa munting yaman na iniingatan
ni mahirap na ang paghinga ay nakasalalay sa kandungan
ng Diyos ng lahat na Hari ng kabanalan




hingang pilit lamang ay nakabubuti
kaysa sa hingang ang kahulugan ay hindi mawari.
hingang hinihinga lang sa palad ni gabi
ay hingang hinihinga ng kaawa-awang pulubi.




Habang nabubuhay ang kayraming tao
ay hindi matatapos ang paghingang makamundo.
Ang hininga ni mayama’y lagi na lang  minamabango
habang ang kay mahirap ay di inaalam kung ano!

 

(ang imahe ay mula kay google.com—-salamat sa KANYA)

16 thoughts on “HININGA

    • salamat kaibigan….magsulat ka….kanya-kanya naman tayo ng pag-iisip…..magaling ka,,,alam mo yan…

  1. Pingback: THE VERSATILE BLOGGER AWARD…my award and my nominees « Chilledhoney's Blog

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s