Halik ng Kaaway

Kung anghel ang kapiling sa lupang mapanghusga,
bunga’y gumagaan ang sa puso dinadala.
Ang halik ng isang anghel sa pisnging maganda’y
Maaaring halik din ng kaaway sa iba.
 
Kaibigang maganda at buhay ay marangya,
ang laging niyayakap at pugad ng paghanga;
ngunit ang kaibigang sa iyo’y mahiwaga,
pagdating ng panaho’y kaaway na masama.
 
Sa iyong paligid ay magmasid ilang saglit.
Ituon ang mata sa bituing maririkit,
na sa tuwing gabi,bago ka man lang pumikit
sana ay halikan mo ang naglalamay na langit.
 
Darating ang panahon na ang langit na yao’y
hahamunin ang katangian kong tinataglay.
Ang langit na dati’y lagi kong hinahalikan,
halik ng kaaway noong ako ay gantihan!

13 thoughts on “Halik ng Kaaway

  1. Ang lalim G. Manul!

    Mukhang ang aking katha tungkol sa katulad na tema ay napakapayak kung itatabi dito!🙂

    Diyata’t kasama ka na sa samahan ng mga emo, Ginoo hahaha!

    “Halik ng kaaway”

    Sino ang iyong kabarilan? Nagkaroon ba ng jump off papuntang Basilan? (Ang aking alam ay payapa na doon ngayon)🙂

  2. manong sa aking pagbasa-basa
    tutok aking mga mata,
    pagkat ina-abang-abangan
    ang bagsak ng bawat kataga.

    pinagtatagpo ko ang kurap ng mata
    at takbo ng aking isipan
    upang maramdaman ko ang nais mong ipakahulugan.

    at ito ang aking nasilip sa hindi ko pagpikit—->
    ———
    tila hanggang sa huli
    mabigat ang mga salita
    hmmm.

    nawa’y matagpuan mo ang kapayapaan ng kalooban. gandang gabi po.

  3. “Halik ng Kaaway”….ang lalim.

    Nanaisin ko pang ako’y mapintasan ng isang tunay na kaibigan
    Kaysa magpalinlang sa sa halik ng isang taong sa buhay ko’y magdudulot ng tinik

    imba!

    • ,,,dapat lang, bagaman pag-iingat pa rin ay kailangan pagkat di natin lubos mahuhulo kung sino ang tunay na kaibigan,,,,,,

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s