Pasalamatan si Tatay

Araw pala ng mga Tatay o Ama ngayon. Syempre binati ko ang aking Papang ng Hapi Father’s day.

Ngunit kung inaakala mong narinig niya iyon, sa palagay ko ay hindi na,

bagaman umaasa ako na dadalhin ng hangin ng pag-ibig ang aking taos-pusong pagbati sa kanya

at nawa’y liparin ng bagwis ng pagmamahal ang tulang hinabi ng aking natatanging isipan….

haligi ka ng tahanang nagmamalaki

sa mundong kayliit sa pagwawari

dala mo ang bigat ng isang sakong binhi

ng pagkalinga sa pamilyang itinatangi

Naranasan ko ang lumakad na ikaw ay wala

natikman ko ang ligaya na hindi ka kasama

nabuhay ako ng matagal tagal na

habang sa piling ko ikaw ay isa na lang alaala…

Ang ama

ang tatay

ang itay

ang papang

ang haligi ng tahanan

na dapat pasalamatan

habang sa mundo

ay may buhay pang tinataglay.

4 thoughts on “Pasalamatan si Tatay

  1. “dapat pasalamatan

    habang sa mundo

    ay may buhay pang tinataglay.”

    dahil pag buhay ay biglang tinangay
    hindi ka na makagagawa ng ingay
    pagkat sa pakikilamay
    lumbay lungkot ang maaari tunghay.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s