Kalayaang di tiyak…kalayaang di mahagilap

kalayaan…

kalayaan?

kalayaan!

pangungusap

pagtatanong

pagdaramdam

kalayaa’y tunay na bang nakamtan?

oo

hindi

ewan

katanungang di masagot ng isa pang katanungan

at

kasagutang di sumasagot sa katanungan..

kalayaan sa kahapon

ay kalayaan sa nakaraan

at kalayaan sa kasaysayan

ngunit nakadikit sa kalayaan ngayon

at kalayaan sa darating na panahon

subalit

kalayaan nga ba

ang kalayaang di maunawa

at di mapagtanto

at di maisip kung ano

at di malaman kung totoo?

kalayaang parang hangin

na nagpapagalaw sa bandilang nakatirik

sa katindihan ng init

ng nagngingitngit na araw…

kalayaang parang Jose Rizal sa piso

na ginugunita kung kailangan

at minsa’y nawawala

at minsa’y saan lang napupunta.

kalayaang parang papel

na walang marka at bahid ng tinta

subalit di mahagilap ang kahulugan

pagkat walang bakas na mauunawaan.

kalayaan..

kalayaan…

kalayaang di tiyak…

kalayaang di mahagilap

anong klaseng kalayaan ba ang iyo

at akin

at kanilang tinatamasa???

6 thoughts on “Kalayaang di tiyak…kalayaang di mahagilap

  1. sa palagay ko’y hindi masasagot iyan ng kasalukuyang panahon…..bagaman ang pag-asa at paghahangad nito ay siyang daan upang tunay nga itong makamtan….mahirap nga—–????>>>>

  2. Anong klaseng kalayaan ba ang ating tinatamasa?

    I don’t know how else to put it but I think we have “regulated” freedom…

    Yun ay ayon lamang sa aking palagay, G. Manul

    Kakaisip tuloy ay di ako mapalagay….

    • ako ma’y nahihirapang sagutin ang katanungang aking ibinato…..sukdulan bang lumilitaw ang mga talinhagang iilan lang ang napupunan ng kasagutan….

    • napansin ko rin, para bang hanggang sa mga pagsasadula lang ng mga makasaysayang pangyayari ang nagiging simbolo ng kalayaan….

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s