Bakit Ganito?


 

buhay

paraiso 

bato

prinsipyo



malayo ang malapit 

para sa ayaw


at malapit ang malayo 

para sa may gusto.


at


malakas ang mahina 

para sa mahihina


at mahina ang malakas

para sa pinakamalalakas.


at


matalino ang bobo 

para sa mga bobo


at bobo ang matalino

sa pinakamatatalino


at


madilim ang gabi para sa nakakakita

at maliwanag para sa mga bulag


at


mahirap para sa mayaman ang hirap


at


kalayaan sa iba ang bilangguan


at


hari sa iba ang alipin

at alipin ang hari


at 


ang ngayon ay bukas para sa kahapon

at kahapon ang ngayon para sa bukas.


Bakit nga ba ganito?



12 thoughts on “Bakit Ganito?

  1. complete antithesis G. Manul,

    kasusulat ko lang din ng ganyan, pero hindi kasing lalim…

    may topak kasi ako ngayon eh ^_^

    anyway, pa aking palagay, mahirap sagutin kung bakit ganyan,

    ang mga ganyang saliwaan, kabilaang pangyayari ang nagbabalanse ng ating mundo…

    mangyaring ito ay dala ng pag ikot ng panahon, ng pagkakataon…

    (kamot ulo)

  2. Whoa! Napaisip ako doon ah. Oo nga po, pana-pananaw lang ‘yan. Sabi nga, “If you think you can, you’re right. If you think you can’t, you’re also right.”

  3. para lang, “bakit ba ang mga taga norte bumibyahe patungo sa “south” para magtrabaho, at bakit naman ang mga taga-south bumibyahe pa norte para sa parehas na dahilan. pede bang magkanya-kanya na lang ng lugar, taga norte para sa norte, taga-south para sa south, ung ganun. hirap kasi bumiyahe eh, nakakapagod.

    • oo nga bakit nga….o sadyang naisabatas at naiukit na sa ating kultura ang ganitong lakad ng buhay?

  4. Pingback: Blogging-ception « Ang Nasasakdal

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s