Mula sa KASABIHAN

Ang lipad ng isang bagay ay nakadepende sa nagpapalipad at nililiparan.

Minsa’y sinabi sa akin na napakataas raw ng aking lipad…..

ang sagot ko—-

” Kung ako man ay lumilipad nang mataas, hindi ako ang nagpapalipad sa aking sarili, bagkus; ang hangin ang nagbibigay sa akin ng pagkakataong magawa iyon.”

Matalinhaga man ang pahayag na ito, subalit madali itong maintindihan at sa mga di masyadong mahusay sa pag-intindi,narito ang eksplanasyon ko…..—-

“Kung ako man ay nagiging mataas sa paningin ng iba, ang dahilan ay….

nagiging mataas lamang ako dahil sila mismo ang nagpapataas sa akin”

—-gets?—

9 thoughts on “Mula sa KASABIHAN

  1. kuhang-kuha Manong, kamusta ka sa iyong tambayan.

    Maihahambing sa isang saranggola –

    nakasalalay ang tayog ng lipad,
    sa ihip ng hangin,
    sa galing ng borador,
    sa tibay ng tamsi,
    sa lawak ng espasyo,
    nakasalalay ang tayog ng lipad
    nitong saranggolang tinitingala

  2. G. Manul…

    Salamat sa pagbisita sa aking hardin…at makikigulo na rin sa inyong kaguluhang pinagkakaguluhan ni Maestro Kap… ^_^

    Ang lipad ng isang bagay ay nakadepende sa nagpapalipad at nililiparan.

    Sang ayon, Sang-ayon, Sang-ayon….

    Minsan ang tingin natin sa sarili ay ordinaryo at payak…
    Nagkakapagtakang bakit minsan, mga tingin mula sa paligid ay mailap…

    Dahil ba tayo ay hindi naligo o nagbihis?
    o
    Dahil ba tayo, sa kanilang paningin ay kumikislap?

    Ang pagtingin sa atin ng iba ay maaring iba sa paningin natin sa ating sarili,
    Ang tingin natin sa ating sarili ay maaring iba sa tingin ng iba sa atin….

    gandang araw at makikiraan lang po!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s