ANG PAG-IBIG



Ang pag-ibig ay brilyanteng sa kislap ng araw kumikinang

na  ang uri ay sa kintab na iyong matatanaw.

Brilyanteng mula sa lupa nang iyong masulyapan

ay tila nagsasabing ika’y mapalad na nilalang.


Ang pag-ibig ay para ring salapi na hinahanap-hanap,

kapag natagpuan na’y pustura na’t nakagayak;

Bagaman kung ang nakatagpo’y hindi maingat

ay maaring mawala kung hindi pa’y makawat.


Ang pag-ibig ay kulay man din sa bahaghari

na ang kahulugan ay hindi mawari.

Pitong kulay na iba-iba bagaman isa ang tinatangi

ang natirang anim kung mapahiya’y ngingiti.


Ang pag-ibig ay bulaklak sa parang at bukid

na pinipitas ng sinumang makaibig.

Ito’y mga talulot na pumapahid

sa hinagpis puso at damdaming nasasaid.


Ang pag-ibig ay bato na sa daa’y nakakalat

na minsa’y pinupulot ng dalagang lumiliyag.

Ang batong ito ‘pag ipinukol mo’t sukat

kung hindi makabukol ay makasusugat.


Ang pag-ibig ay para rin namang tubig

na umaagos pagkat kanyang ibig.

Ang tubig na ito na minsa’y nagkukulay putik

ay naiinom din ng uhaw na tagabukid.


Ang pag-ibig ay parang buto ng Papaya

na kulay itim at sa paningi’y di maganda

ngunit pag itinanim at tumubo na

ang butong pangit ay magiging hinog na bunga.


Ang pag-ibig ay para ring Facebook ika ko

na may mga marunong at may naloloko.

Ang pag-ibig na kung hindi nalog-out at pinabayaan mo

kung mahack ay tangis lang ang sa iyo.


Tunay nga namang ang pag-ibig ay makapangyarihan

pagkat kayang supilin kahit ang kaaway.

subalit pag-iingat lamang ang ating kailangan

nang ang pagibig nati’y hindi maging mitsa ng kamatayan!

4 thoughts on “ANG PAG-IBIG

  1. “subalit pag-iingat lamang ang ating kailangan nang ang pag-ibig nati’y hindi maging mitsa ng kamatayan!”

    Ang pahayag na ito Manong ay lubos na nakakabahala, wari isa itong bawal na pag-ibig. Dapat magsilbing isang babala.

    • tama ka…
      ito’ isang babala para sa lahat..

      kung pakakatantujin natin, ang pag-ibig ay kaysarap matikman
      subalit may mga bagay na naghihintay kasabay sa pagtikim nito…
      maaaring pagkadiri
      maaaring pagkahilig
      o maaaring di mo malaman…

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s