Ang Magsasaka

(tula ni Tagapagmana ni HUSENG BATUTE)

 

 

ANG MAGSASAKA

 

Butil na pinatubo sa matabang lupain
na pinaghirapa’t pinagpawisang bungkalin.
Butil na lumaki nang malapit nang anihin,
ang mga ibon ay isa-isang nagsidating.
 
 
Ang kayraming ibon, sa butil nagpasasa.
Sila’y maihahambing sa taong walang hiya.
Sa tuwing pag-ani ay dumarating na bigla
at sa araw ng pagtatanim, doo’y nawawala.
 
 
Silang magsasakang puro pawis ang puhunan
ay doon sa bukid masayang namumuhay.
Sa tuwing kailangan,sila’y may pakinabang
gayong sa ibang araw ay limot na ngang tunay!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s