GINTONG UPUAN

sundalong lasing II
Gintong upuang sa gintong bahay ang lalagyan
Malaon na’t hanggang ngayo’y pinag-aagawan
Sinumang kalahok sa paligsahang unahan
Kung wala ring salapi’y walang lulugaran.

May mga taong ang kamay daw ay nakalaan
sa pagtulong sa kaawa-awang mamamayan.
Panay ang pagkilos,larawan ng kabaitan
ngunit ang katotohana’y kabalintunaan.

Sa gintong upuan sakaling makaupo na,
daig pa ang larawan ng hari at reyna.
Sa pagbuka ng bibig,sa pagkilos ng mata,
tila nakalimutang may utang s’ya sa iba.

Ang bagay na ito na aking kinamulatan
mangyari ay akin na ring kinamumuhian.
Ang lahat ng umuupo sa gintong upuan
ay dapat na piliin at marapat husgahan.

Sa ating baya’y napakaraming dayo
pagdating sa pag-upo sa mamahaling trono.
Ang ugaling ito ba’y atin lamang hinango 
o nag-ugat nga sa lahi nating Pilipino?

2 thoughts on “GINTONG UPUAN

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s