ang orasan


Sa aking paggising kasabay ni araw,

sa dingding na marupok ay aking natanaw

ang isang orasang tila kumakaway

at wari’y kumukumpas na mga kamay.


Aking napagtanto makailang saglit

na ang kumpas ng orasa’y may ipinahihiwatig.

Bawat kumpas niya’y di dapat madaig

ng pagwalang-bahala sa nangyayari sa daigdig.


Ang orasan ay parang puso ng tao,

na kung pakingga’y may tunog na binubuo.

Ang pintig ng puso kung wawariin mo

ay tila tiktak ng mumunting relo.


Ang orasan ay kahawig ng lakad ng buhay

na pabalik-balik din ang pinaglalakbayan.

Ang lakbay na tuloy-tuloy kung layo ang batayan

ay di alintana ang pawis na nunukal.

                       Kung mapapansin,ang orasa’y naglalakad

                       sa pabilog na landas ng mundong madawag.

                       Ang ikot ng orasang tila banayad

                       ay nakabatay sa bateryang nagpapalakad.

                                  

                      Ang orasan ay simbolo ng buhay

                      na habang naglalakad ay may salaysay.

                      Kapag tumigil na sa pag-ikot ang orasang mahal

                      ay simbolo na ng pamamaalam sa mundong ibabaw.


O, ang orasan na sa dingding nakasabit

kung pakaisipi’y may ipinahihiwatig.

Kung ang kahulugan ay di mo maisip,

magdurusa ka sa panahong sasapit.


Ang bahay na wala nito ay kulang

kung hindi pa mauuna ay maiiwan.

Kung ang orasan ay wala sa tahanan,

ay malas nga ika ng kasabihan.


             Napag-sip ko na maaari ngang tama

             na mamalasin ang tahanang nito ay wala.

             Malas ka pagkat di mo alam ang oras

             ng iyong pagsilang at pamamayapa.


         Kaya’t pakinggan ang munting panawagan

         ng tumitiktak na munting orasan,

         “Ang lakad ko ay lagi nang gabay

         at bawat tiktak ko ay mahalagang tunay.”

About these ads

14 thoughts on “ang orasan

  1. “Malas ka pagkat di mo alam ang oras

    ng iyong pagsilang at pamamayapa.”

    Tunay nga G. Manul…

    Sa ating tahanang kinagisnan,
    Isang mahalagang bahagi ang orasan…
    Ito ay naghuhudyat na buhay ay sisimulan…
    Ito rin ang nagbababala kung buhay ay wawakasan…

    Kung kaya’ sa ating pag-ikot ikot sa tahanan…
    Mahahalaga sa atin ay ating pagmasdan…
    Ano man ang pagkukulang, ito ay atin nang punan…
    Sapagkat pamamaalam ay di natin alam kung kailan…

    napakagandang tula G. Manul, salamat sa paanyayang mabasa ito ^_^

      • ^_^

        kung kaya’t minsan maganda din ang may variations…

        minsan seryoso at talagang palaban…

        minsan, wala lang, mga ideyang lumusot lamang…

        minsan, masaya, minsan malungkot

        minsan may aral, minsan wala….

        minsan nakakabahala, minsan…. masakit lang sa bangs…

  2. Pingback: Masdan ang Orasan… « Chilledhoney's Blog

  3. Manong, ang isa sa aking katha ay tunay na napapanahon sa iyong tula, isang pagtalakay sa takbo ng buhay kasabay ng bilis ng takbo ng oras/orasan. matagal-tagal na din itong nakatago sa aking tala-sulatan, at ito talaga ang naka-linya para sa susunod na pagpapaskil, nagulat ako ng mabasa ang katha mo dahil ito’y salamin ng aking katha.. sana’y mabisita mo rin…. aabangan ko ang iyong pag-tik-tak-tik-tak-tik-tak…..

  4. Ah, marahil kaya lagi akong naghahabol ng oras noon ay dahil wala ako nito dati. Ngayon naman, alam ko na ang oras pero ang dami pa ding hinahabol. Tila nga isang buhay ang oras.
    :)

  5. Pingback: Patay na orasan… « Chilledhoney's Blog

  6. Pingback: THE VERSATILE BLOGGER AWARD…my award and my nominees « Chilledhoney's Blog

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s